SENTRO NG EMERHENSIYANG SUPORTA PARA SA MGA MIGRANTENG KABABAIHAN 1577-1366
(Daejon 042-488-2979; 042-483-1633; 042-485-1633)
Ang Sentrong ito ay itinatag noong buwan ng Nobyembre taong 2006, upang matulungan mga Migranteng Kababaihang naninirahan sa lipunang Korea na naging biktima ng domestikong dahas, seksuwal na dahas at pagbebenta ng laman at iba pang pang-aabuso, sa pamamagitan ng pagtanggap nng payo at interpretasyon gamit ang sariling wika sa serbisyong hotline 365na araw sa isang taon.
ANO-ANO BA YONG MGA GINAGAWA NAMIN?
*Nagbibigay payo sa mga biktima ng pang-aabuso
- Pagtanggap ng payo pamamagitan ng tawag 365 na araw: 1577-1366
- Nagbibigay payo gamit ang walong (8) wika: (Vietanamese, Chinese, Ingles, Tagalog, Russian, Mongolian, Thai, Cambodian).
- Nagbibigay payo sa paglutas ng ahindi pagkakasunduan sa pamamagitan ng tawag at pakikinayam
- Nag-uugnay sa iba’t ibang organisasyon, nagbibigay payo at suporta sa panahon ng emerhensiya at mapanganib na sitwasyon
1. Namamahala ng emerhensiyang kanlungan.
2. Nag-uugnay sa mga kupkupang sa mga kupkupang tirahan para sa mga biktima ng domestiko at sekswal na dahas at pagbebenta ng laman.
3. Serbisyong medical, legal imbestigasyon at himpilan ng pulis.
(klinikal imbestigayon at pagsasagawa ng habla).
*Suporta sa interpretasyon sa mga mag-asawa, pamilya, kanlungan, hukuman at sentro ng pagpapayo.
*Tumawag lamang sa mga numerong nabanggit sa itaas kung kayo ay may tanong, o sa oras ng pangangailan at kami ay laging handang tumulong po sa inyo ng lahat ng aming makakaya at kami ay magagalak na paglingkuran kayo.
No comments:
Post a Comment